Lagi akong late sa office... Isa akong Medical Transcriptionist at araw-araw akong late.... Halos nakailang letter na sa akin ang HR para magmakaawa na wag nang ma-late at ilang sorry letter na rin ang naibibigay ko... Ewan ko, di ko alam kung bakit ako na-lalate, maaga naman akong gumising, di naman mabagal ang kilos ko, kaya lng na-lalate pa rin ako... Pero may araw naman na maaga akong pumasok, nakakatuwa lang kasi nagpapamisa mga ka-workmate ko pag maaga ako.... Pero ang gusto ko makita nyo ay ang mga nakikita ko bago ako makarating sa office..
Araw-araw akong sumasakay ng jeep.. Pagsakay ko pa lng, ang daming bibig na nagsasalita, maingay akong tao pero tahimik ako pag asa loob ng jeep at walang kakilala... My nanay na mamalengke pero wala daw pera, (pano un?), my eskuwela na papasok pero walang dalang gamit, my magsasabong dahil my dalang manok. Sa jeep pa lng mkikita mo na mga reklamo nila; kesyo nakakatamad ng pumasok, wla ng mabili dahil wlanga pera, at magsusugal na lng dahil bka sswertehin...
Lalo kang matatawa dahil my dinadaanan akong Lotto Outlet, ang daming pila, magkano na ba ang tatamaan ngayon??? Daming tumataya, ang dami rin nmang natatalo... Sa Million na prizes, magkano na nga ang naitaya mo overall????
Maraming taong mapaghanap... bakit? Dahil kulang ba sila o dahil gusto pa nila ng sobra... Sa mga estudyante, ayaw na nilang pumasok kasi gs2 na nila mgtrabaho, pro pag ngttrabaho na sila sasabihin nila na gs2 na lng nila pumasok... Sa mga tumataya ng Lotto, gs2 nga ba nila ng premyo o gs2 lang nila makiuso??? uso kasi ngayon at pagtaya sa Lotto???? Sa mga taong walang pera pero asa Mall lagi, tambay lng ba o my pnagtatguan???
Ang dami nating hinahanap kasi di natin alam kung ano ba talaga gusto ntin... Gnun nga cguro ang tao.... Kasama na ako...